Volunteer doctor sa COVID ward ng PGH, 5 nalang mula sa 25; ‘Di na nagrenew ng kontrata

Kinumpirma ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na tanging lima nalang sa 25 volunteer doctors ng Department of Health (DOH) ang nananatili ngayon sa COVID-19 ward ng Philippine General Hospital, habang karamihan sa kanilang mga kasamahan ay nagdesisyong hindi na magrenew ng kontrata.

Ayon kay Del Rosario, hindi naman sabay-sabay na hindi na nag-renew ng kontrata ang naturang mga doktor, pero may isang taon na rin umano na hindi na bumalik ang mga ito.

Pagbabahagi ng opisyal, karamihan sa mga doktor na hindi na nagrenew ng kontrata ay gustong ipagpatuloy ang kanilang subspecialty training.

Dahil sa kakulangan ng mga staff, sinabi ni Del Rosario na nag-employ ang PGH ng “task-sharing” sa pagitan ng mga departamento upang matulungan ang kanilang Internal Medicine Department na humahawak sa mga pasyente ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *