‘Vote buying’ i-report sa COMELEC at PNP

Muling hinikayat ng Provincial COMELEC ang publiko na i-report ang makikitang ireguralidad sa pangangampanya ng mga kumakandidato ilang araw bago ang May 9, 2022 election.

Ayon kay COMELEC Palawan Spokesperson Jomel Ordas, ito ang pinakamainam na paraan upang tiyak na maimbestigahan ang di umano’y vote buying.

Maaari aniyang magsumbong o pormal na magreklamo sa PNP o sa opisina ng COMELEC ang kahit na sinong interesado.

Sinabi pa ni Ordas na hindi agad  masasabing mayroong nangyayaring bilihan ng boto sa isang pagtitipon ng supporters ng sinumang kandidato maliban kung mayroong bigayan ng anumang may halaga.

“Kung wala naman talaga vote buying na nangyayari dyan sa [pagtitipon] ay wala tayong nakikitang problema dyan…Kung may kampanya pero kung meroong mga bigayan ng hindi lang pera o kung anumang may halaga.”- Jomel Ordas, tagapagsalita ng Provincial COMELEC.

Samantala, hanggang May 8, 2022 na lang ang campaign period.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *