Voter registration mataas ang turned out; pagpaparehistro nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang pagpapareshitro para sa pagboto sa nalalapit na halalan sa Commission on Elections na tatagal hanggang katapusan ng Setyembre partikular sa Batangas province.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay Batangas Provincial Election Supervisor Jonalyn Sabellano, nabatid na ang pagpaparehistro sa COMELEC ay para sa May 9, 2022 national and local elections.

Ibinahagi ni PES Sabellano, na iba iba ang sitwasyon sa bawat bayan, aniya inaasahan na nila na kakaunti ang pagpapa-rehistro dahilan sa pandmya ngunit taliwas ito sa inaasahan dahilan sa madami ang nagpaparehistro sa isang araw, sa maliliit na munisipy ay umaabot ng 100 katao bawat araw habang sa malalaking lugar ay umaabot naman ng mahigit dalawang katao ang napaparehistro sa isang araw.

Sa pagpaparehistro maari ang walk-in na pangkaraniwan na at may iba pang paraan para magpa-iskedyul ng pagpaparehistro gaya ng pagbisita sa link na irehistro.comelec.gov.ph, sa nasabing site pdeng mag-access ng registration form, fill-upan at pagkatapos ay iprint, wag na munang pirmahan at mag-iskedyul kung kelan pupunta sa tanggapan ng COMELEC para pagdating sa opisina ay wala ng iban gagawin, hindi na kelangan pumila dahil may araw at iskedyul ka na na mas madali para sa mga kababayan natin.

Sa mga nahihirapan naman pumila para sa registration form lamang ay pde rin makuha ito sa comelec.gov.ph meron dito na form na number 1, ang registration form, iprint lamang ito, isulat kamay ang pag-fill up, wag pipirmahan at pagkatapos ay pumunta sa COMELEC office, tatlong kopya ito at madali pa para magparehistro.

Samanatala, tiniyak naman ni PES Sabellano na nasusunod ang health protocols sa loob ng tanggapan ng COMELEC sa ibat ibang bayan at siyudad sa Batangas para sa kaligtasan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *