Isyu ng ‘Diktadurang Marcos’ sa mga curriculum ipauubaya sa mga Education expert – VP Sara

Ipauubaya na raw ni Vice President and Education Sec. Sara Duterte sa mga eksperto ng DepEd ang naging desisyon nito na pagtanggal ng pangalang ‘Marcos’ sa ‘Diktadurang Macos’ sa Grade 6 Araling Panlipunan curriculum.

Sa isang panayam, sinabi ni Duterte na ‘di na siya mangingialam dito at hahayaan niyang pag-aralan itong maigi ng education experts, partikular na sa Curriculum and Teaching Bureau ng Kagawaran.

Bago ito, una nang nilinaw ni DepEd Bureau of Curriculum and Teaching director Joyce Andaya na walang halong pulitika ang memorandum na ito, at sadyang nagkataon lang daw na Marcos Jr. ang kasalukuyang nakaupo sa puwesto.

TDC, pumalag

Kinuwestiyon naman ng Teachers’ Dignity Coaltion ang naturang hakbang.

Sa panayam ng Brigada News FM kay TDC chairperson Benjo Basas, sinabi nitong hindi na kailangan pang gawin ang naturang rekomendasyon lalo’t hindi naman aniya ito makakatulong.

Ayon kay Basas, base sa mga historical facts, court records at maging sa batas ay tinutukoy ang Administrasyong Marcos Sr. na ‘diktadura’ kung kaya hindi na ito maitatanggi pa sakaling ito ang nais ng isinusulong na memo ng DepEd.

Sa ngayon wala pa namang sagot mula sa opisina ni Undersecretary Gina Gonong ng Curriculum and Instruction ng DepEd kaugnay sa sinasabing memo ng rebisyon sa curriculum, na ayon kay Basas naniniwa sila sa TDC na posibleng hindi pa ito matuloy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *