VP Duterte, nanindigan pa rin sa hiling na confidential funds

Muling nangatuwiran si Vice President Sara Duterte tungkol sa pangangailangan ng confidential funds at ang papel nito sa pagtiyak ng seguridad at pag-unlad ng bansa.

Inihayag ni VP Sara sa 122nd Police Service Anniversary ng Police Regional Office 13 sa Butuan City ang kanyang paninindigan sa usaping ito upang bigyang-liwanag ang mahalagang papel nito sa mga mamamayan

Aniya, kailangang unahin ang kapakanan ng mga Pilipino at pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa bansa, lalo na’t pundasyon ito sa maunlad na lipunan.

Iginiit rin nito na kung sino man ang kumokontra sa confidential funds, ay kontra rin sa kapayapaan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *