VP Duterte, nasa Japan na para sa state funeral ni dating prime minister Shinzo Abe

Dumating na sa Japan si Vice President Sara Duterte para dumalo sa state funeral ni assassinated former prime minister Shinzo Abe.

Kaugnay nito, naglabas ang French news agency ng larawan ni Duterte na nakikipagkamay kay Japan Prime Minister Fumio Kishida, kung saan mababasa sa caption na ang dalawa ay nakatakdang magsagawa ng bilateral meeting sa Akasaka Palace State Guest House sa Tokyo.

Matatandaan na sa kanyang pag-anunsyo para sa Japan trip noong Sept. 21, sinabi ng pangawalang pangulo na dadalhin niya ang condolence letters mula sa kanyang ama at kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Samantala, ang iba pang world leadersna inaasahang dadalo sa funeral ni Abe ay sina US Vice President Kamala Harris, South Korean Prime Minister Han Duck Soo at Vietnamese President Nguyen Xuan Phuc.

Mababatid na ang Japan ay ang top trade partner ng Pilipinas at nagpondo ng ilang mga proyekto sa ilalim ng infrastructure drive ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *