VP Leni, aminado na nagkulang sila sa paglaban sa disinformation kaugnay sa administrasyong Aquino

Aminado si Vice President Leni Robredo na dapat ay pinaigting nila ang pagpepresenta ng facts na may kinalaman kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa gitna ng disinformation na sumisira sa naging pamumuno nito noon.

Ayon kay Robredo, sana ay mas ginalingan nila ang kanilang efforts sa pagpapakita na hindi inaanunsyo ang lahat ng accomplishments, at sa pagpapakita na hindi tama ang lahat ng lumalabas.

Ngayon ay sinabi ng Bise Presidente na kahit yumaong na ang dating pangulo, ay gagampanan nila ang kanilang obligasyon na ipakita sa mga tao ang totoo sa bawat pagkakataon na meron sila.

Iginiit ni Robredo na dismayado siya dahil sa kakulangan ng appreciation sa public service ng Aquino administration.

Nabanggit naman ni Robredo sa kaniyang radio program ang marami sa mga public-private partnership infrastructure project na nagsimula sa panahon ng pamumuno ni Aquino kabilang na ang Muntinlupa-Cavite Expressway, Beep Card implementation, Skyway Stage 3, LRT-2 East Extension project at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *