VP Leni hindi nakadalo personal sa 63rd birth anniversary ng yumaong asawang si dating DILG Sec. Robredo bilang pagsunod sa health protocols

NAGA CITY- Hindi nakadalo personal si Vice President Leni Robrero sa paggunita ng ika-63 anibersaryo ng kapanganakan ng yumaong asawang si Department of Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo dahil sa mga hamon ng dala ng pandemya.

Sa video message na ipinadala ng Office of the Vice President sa Lokal na pamahalaan ng Naga , sinabi ng opisyal na hindi na siya pumunta sa lungsod bilang pagsunod sa health protocols. Aniya maproseso kase ang mga requirements ngayon kasama na ang sa pagbiyahe at hindi nila maiwan-iwan ang mga gawain sa kanilang opisina.

Pinasalamatan  nito ang mga Nagueño sa hindi paglimot sa mga legasiya ng dating kalihim ng DILG sa good governance. Ang tibay at lakas aniya ng Naga ay nasa mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *