VP Leni, labis na ikinabahala ang mga pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay sa WPS

Labis na ikinabahala ni Vice President Leni Robredo ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Robredo na maaring makaapekto sa bansa ang mga pahayag ng Pangulo kahit tapos na ang panahon ng adminsitrasyon.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, hindi natin pwedeng maalitin ang arbitral decisionyon, dahil kasarinlan at soberanya na ang pinag-uusapan.

Iginiit rin ng Bise Presdente na hindi totoo na hawak na ng China ang South China Sea.

Samantala, aminado si Robredo, na isang kilalang kritiko ng administrasyon, na nagdesisyon siya na huwag munang magsalita tungkol sa pulitika dahil sa surge ng COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Robredo na hindi na niya mapapalampas ang kanyang tinukoy bilang mali at pro-China na  pahayag ng Pangulo.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na piraso lamang ng papel ang arbitration award na karapat-dapat itapon sa isang basurahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.