VP Leni, pinabulaanan claim ni Roque na tutol siya sa pag-gamit ng Sinovac

Binuweltahan ni Vice President Leni Robredo si presidential spokesman Harry Roque, dahil sa pag-aakusa umano sa kanya na tututol sa pag-gamit ng China-made Sinovac sa bansa, laban sa COVID-19.

Ayon kay Robredo, nanawagan lang siya para sa positibong rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council (HTAC) para sa Sinovac.

Una nito, sinabi ni Roque na hindi siya kumbisido sa mungkahing Robredo-Duterte vaccine infomercial, dahil umano sa pamumulitika ng pangalawang pangulo sa Sinovac vaccine.

Nilinaw rin ni Robredo na hindi niya sinabi na ang Sinovac ay hindi magandang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon dito, naalarma lang siya sa pagbibigay ng gobyerno ng emergency use authorization (EUA) sa Sinovac, dahil hindi pa ito nakakakuha ng approval mula sa HTAC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *