VP Sara Duterte suportado ang Boy Scout of the Philippines, pagkakaroon ng regular na BSP Day itinutulak naman ng DepEd  sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Ikinagalak ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Crestito Morcilla ang  suporta ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Boy Scout of the Philippines (BSP).

Sa isinagawang Flag raising Ceremony kaninang umaga sa Division Office inanunsiyo ni Morcilla na kagagaling lang niya sa isang pagtitipon ng BSP at nakakatuwa umano ang ipinapakitang suporta dito  ng kanilang kalihim.

Kaya naman iminungkahi ni Morcilla na paigtingin pa ang mga aktibidad ng BSP at hihilingin umano niya sa mga District Supervisor at School Head na madagdagan pa ang mga nagrerehistro dito.

Iminungkahi rin ng opisyal na magkaroon ng BSP Day sa mga araw na may pasok kung saan mayroong isang araw na ang mga estudyante ay magsusuot ng ng Boy Scout o Girl Scout uniform.

Maging siya umano mismo ay handang magsuot ng Boy Scout uniform.

Ito umano ay isang paraan ng pag-develop magandang sa pag uugali at leadership ng mga estudyante.

Kung maalala ay sinabi ni Duterte na ninanais nitong isama sa basic education curriculum ang mandatory scouting.

Sa kaniyang pananalita sa ginanap na annual national council meeting ng BSP sa Palo, Leyte noong nakaraang linggo binigyang diin ng Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon ang kahalagahan ng scout movement bilang mahalagang bahagi ng education system.

Dagdag pa nito na kabilang sa iba pang misyon ng scouting ang pagsusulong ng katapatan, integridad at respeto habang sinasanay ang mga bata na maging laging handa, lalo na sa oras ng mga pagsubok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *