Hinimok ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang Alliance of Concerned Teachers na itigil na ang paggamit ng “victim card” at kondenahin ang pag-atake ng mga terorista ng New People’s Army (NPA) sa Masbate, na nakaapekto sa mga mag-aaral.
Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos siyang akusahan ng red-tagging grupo.

Idinagdag ni Duterte na may matinding pangangailangan na ilantad ang intensyon ng grupo, na naging pekeng kinatawan umano ng mga mag-aaral at guro.
Nauna nang nanawagan ang ACT sa Department of Education na kumuha ng 30,000 guro at maglaan ng PHP100 bilyon na pondo para sa pagtatayo ng mga silid-aralan taun-taon.
Pinuna ni Duterte ang tiyempo ng kahilingan, sinabing ito ay isang diversion mula sa diumano’y isyu ng nakababahalang pag-atake ng mga terorista sa Masbate.//CA