VP Sara, ite-take over ang mga paaralan sa EMBO Barangays

Pansamantalang pangangasiwaan ng Office of the Secretary (OSec) ang mga pamunuan at administrasyon sa labing apat na “EMBO” barangays na naapektuhan ng Makati-Taguig dispute habang nakasailalim pa ito sa transition period.

Kaugnay nito, si Bise President Sara Duterte na kasalukuyang kalihim ng Department of Education (DepEd) muna ang mamahala sa mga eskuwelahan ng mga apektadong barangay.

Ayon sa inilabas na Department of Order, sa loob ng transition period ay kailangang ipadaan o aprubahan muna sa OSec ang lahat ng mga aktibidad na gagawin sa mga paaralan.

Samantala, ang transition committee ay bubuin ng DepEd regional director, DepEd School division superintendents at legal officers ng Makati at Taguig.

Ilan sa mga magiging tungkulin ng nasabing committee ay ang paggawa ng final transition plan, pagko-collate ng mga dokumento sa operasyon ng mga eskuwelahan at paghahanda ng physical inventory ng lahat ng mga ari-arian.

Binay, wi-nelcome ang desisyon

Wi-nelcome ni Makati Mayor Abby Binay ang pansamantalang pangangasiwa ni VP Duterte sa mga eskuwelahan na naapektuhan ng boundary dispute ng Makati at Taguig.

Ayon kay Binay, makatutulong ang nasabing desisyon ng Bise Presidente sa pagpapalubag ng kalooban ng mga nangangambang estudyante, magulang at guro na naging apektado ng paglipat ng ilang lugar mula Makati papuntang Taguig.

Dagdag pa niya, asahang buong puso sila makikipagtulungan sa transition committee na nilikha ng Bise Presidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *