VP Sara, itinalaga bilang co-vice chairperson ng NTF-ELCAC

Itinalaga si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang pinakabagong co-vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa hangaring mapalakas ang kampanya kontra-insurhensya sa mga paaralan.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, ang pagtatalaga kay Duterte ay inaprubahan sa isang executive committee meeting ng NTF-ELCAC ngayong araw.

Magsisilbi naman vice chairman ng NTF-ELCAC si Año.

Sinabi ni Año,  palalakasin ni Duterte ang pagsisikap ng task force na pigilan ang recruitment ng mga komunistang grupo sa mga estudyante.

Dagdag pa niya, maaari ding ibahagi ng dating alkalde n ang kanyang mga karanasan at pinakamahusay na kasanayan sa pakikitungo sa mga komunistang grupo sa iba pang itinalagang Cabinet Officers for Regional Development and Security.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *