Hinikayat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB sa region 3 ang mga empleyado, job seekers at employer na maging productive pa rin sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Sa mensahe ni DOLE regional director at RTWPB chairperson Geraldine Panlilio sa ginanap na launching ng 2021 Regional Productivity Olympics, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang work ethics sa pag abot ng mga adhikain ng isang organisasyon.
Hinikayat rin ni Panlilio ang mga employers na magpamalas ng magandang work ethics sa kanilang mga empleyado.
Samantala ang inilunsad na 2021 Productivity Olympics ay programa para kikilalanin ang mga productivity programs and practices ng mga micro small and meduim enterprises o MSMEs sa rehiyon.