Wage deliberation para sa petisyon ng omento sa sahod sa Region 3 inaasahang matatapos bago ang katapusan ng Mayo

Magsasagawa na ng wage deliberation ang wage board ng Region 3 patungkol sa petisyon ng omento sa sahod sa Central Luzon.

Dito ay magkakaroon na ng deliberasyon ang pitong myembro ng board para talakayin ang lahat ng mga datos at impormasyon na kanilang nakuha pagkatapos ng mga isinagawang public hearing.

Ayon kay Department of Labor and Employment Region 3 Dir. Geraldine Panlilio, kung sakaling magkaroon na ng desisyon sa June 1, ito ay ipa-publish na para naman sa effectivity nito.

Konting panahon na lamang aniya ang hihintayin at makukumpleto na ang proseso ng wage determination para sa adjustment ng pasahod sa pribadong sektor sa Central Luzon.

Inaasahan ni Panlilo na magiging mabilis na lamang ang deliberasyon dahil sa mga isinagawang public hearing ay isandaang porsyentong present naman umano palagi ang buong myembro ng wage board.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 2 people, people standing, footwear and text that says 'Healthy Life Exercise regularly Eat healthy Reduce stress Drink plenty of water Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang Sakit!'

Leave a Reply

Your email address will not be published.