Wala pang kaso ng Lambda Variant sa Pilipinas – Philippine Genome Center

Wala pang nakikita o ang Philippine Genome Center (PGC) na kaso ng Lambda variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Philippine Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma, mula noong sinimulan nila ang pagbabantay o surveillance sa mahigit 8,000 mga kaso ng covid-19 sa bansa noong Enero ngayong taon, pawang mga kaso aniya ng Delta variant ang kanilang naitatala.

Kaugnay nito, sa mga lugar naman aniya na may nitatalang mataas na kaso, sinabi ni Dr. Saloma na karaniwan nilang nade-detect ay Alpha at Beta variant.

Gayunpaman, sinabi ni Dr. Saloma na kung mayroon mang “variant of concern” tulad ng Delta variant ang isang indibidwal, kinakailangan na ilagay ito sa quarantine facility.

Samantala, aminado naman ang PGC na ngayon pa lamang sila nakakapagsagawa ng genome sequencing sa ilang mga lugar sa bansa partikular sa Visayas at Mindanao.

Mababatid na nasa 30 mga bansa na sa buong mundo ang mayroong kaso ng Lambda variant at sa ngayon ay patuloy ang pagkalat nito sa mga bansa sa South America.

Leave a Reply

Your email address will not be published.