Walang maayos na patubig, mainam kung huwag na munang magtanim sa Siruma

NAGA CITY – Inabisuhan na ng Municipal Agriculture Office Siruma, Camarines Sur ang mga magsasaka na walang maayos na patubig na nainam kung huwag na munang magtanim dahil sa inaasahang El Niño Phenomenon sa mga susunod na buwan.

Sa naging panayam kay Pio Balanay Jr, Agriculture Division in Livestock Inspector ng naturang opisina, may mga sakahan sa bayan na normal nang natutuyo kapag sobra na ang init ng panahon. Sa ilog kumukuha ng patubig ang ilang mga magsasaka dahil ang iba ay walang irigasyon , inaabangan ang tubig ulan. Malaki aniya ang posibilidad na masayang pa ang mga pananim.  Puwede aniyang sa susunod na panahon ng taniman na kung hindi gaano matindi ang El Niño.

Sa tala ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o DOST-PAGASA umaabot na sa 40-50 degrees Celsius ang heat index sa iba-ibang bahagi ng bansa mula Marso.

Una nang sinabi ng DA Bicol na inaasahan nilang hindi naman magkukulang ang supply ng bigas dahil todo suporta sila sa abono, binhi at iba pang pangangailangan ng mga resistradong magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *