Walang Pilipinong naiulat na nasaktan sa 7.8 magnitude na lindol sa Turkey

Walang Pilipinong naiulat na nasaktan sa 7.8-magnitude na lindol na yumanig sa timog-silangang bahagi ng Turkey.

Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Filipino communities at sa iba pang contacts nito sa rehiyon.

Patuloy din nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Ankara sa mga Pilipinong naninirahan sa bansa.

Batay sa pinakahuling datus ng DFA, mayroong hindi bababa sa 4,006 Filipino nationals ang nasa Turkey at karamihan ay nakabase sa Istanbul.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *