Inaresto ng pulisya nitong Linggo, ika- 24 ng Setyembre ang walong ka-tao sa Barangay Oring-Oring Brookeβs Point, Palawan.
Ayon sa Brookes Point PNP, nahuli sila sa akto habang may ginaganap na iligal na sabong (tampor) sa lugar.
Nahuli sila sa pangunguna ni PCPT. SIR DHAYRIUS L REDONDO kasama ang iba pang law enforcement unit.
Sa lugar, kinumpiska ng pulisya ang mga ebidensya tulad ng labing-isang manok na tandang, mga pera at sabong paraphernalia.
Samantala, kasong paglabag sa Presidential Decree no. 1602 (Illegal Gambling) ang kinakaharap ngayon ng mga nahuli.