Walong paliparan sa bansa, makakakuha ng pondo sa ilalim ng 2023 national budget

Ibinunyag ng Department of Budget and Management (DBM) na makatitiyak ang walong mga paliparan sa bansa na makakakuha ng pondo para sa repairs sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

Kabilang sa mga ito ang Laoag International Airport (P785 million) ; Tacloban Airport (P1.420 billion); Antique Airport (P500 million); Bukidnon Airport (P80 million); Ninoy Aquino International Airport (P43 million); New Zamboanga International Airport (P200 million); Vigan Airport (P50 million); at M’lang Airport (P15 million).

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, na ang naturang budgetary allocation ay naglalayung suportahan ang construction, rehabilitation, at improvement ng transportation infrastructure sa bansa, lalo na sa aviation sector.

Giit ni Pangandaman, na ang development sa ilang airports ay mag-uudyok para sa paglago ng iba’t-ibang sektor, gaya ng trade, employment, at tourism.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *