Kalimitan sa mga wanted criminal ay ginagawa ang lahat upang makapagtago at hindi mahanap ng mga otoridad.
Subalit, iba ang pangyayari sa isang wanted criminal sa Atlanta, Georgia, USA kamakailan dahil sa lakas loob nitong pagkomento sa isang facebook post ng Rockdale County Sheriff’s Office.
Kinilala ang wanted na kriminal na si Christopher Spaudling kung saan, gamit ang kaniyang personal account ay nag-iwan ito ng komentong “How about me?” sa post ng nasabing tanggapan na may mga litrato ng mga most wanted criminals.
Mistulang hinahanap umano nito ang kaniyang sarili na hindi napabilang sa mga kriminal, at dito nga napatunayan ng mga otoridad na isa nga ito sa mga kriminal kung saan may malaking kasong kinahaharap.
Dahil rito, natunton ang kinaroroonan ng nasabing kriminal sa tulong ng IP address ng kaniyang facebook account.
Nagbiro pa nga ang mga otoridad sa kanilang caption sa facebook post nito patungkol sa nahuli nilang kriminal kung saan, nagpasalamat ito kay Spaulding dahil sa kaniyang pagtulong sa paghuli sa kaniyang sarili.|WENCY LISAY
