Wanted person sa South Africa, naaresto matapos mag apply ng trabaho sa police station

BINANSAGAN ngayon bilang “South Africa’s Dumbest Criminal” ang isang wanted person sa nasabing bansa matapos itong walang kahirap-hirap na maaresto ng mga pulis makalipas ang pitong taong-pagtatago sa batas.

Batay sa report, sakabila ng pagiging kabilang sa wanted list, nagtungo sa himpilan ng pulisya si Thomas Ngcobo – isang 40-anyos na lalaki at nahaharap sa kasong pagnanakaw ng mga hardware materials.

Dati umanong delivery man ng hardware store ang suspek ngunit sa halip na i-deliver nito sa mga kliyente ang mga hardware materials, dinadala niya ito sa bahay ng kanyang kasabwat at ibinebenta sa mas mahal na halaga.

Sakabila ng kinakaharap na kaso, nagtungo sa Bethal South African Police Service station sa Mpumalanga ang suspek upang i-follow up ang kanyang aplikasyon sa police recruitment drive.

Nang mapagtanto ng opisyal na nasa help desk na kapangalan ng suspek ang nasa listahan ng mga wanted persons, agad niya itong inaresto at nang makumpirma ang identity nito ay saka ipinasok sa bilangguan.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *