Wanted sa kasong Rape, huli sa bayan ng Taytay

Nahulog na sa kamay ng pulisya ang Rank. No. 7 wanted sa Provincial level kahapon, ika-11 ng Enero ngayong taon.

Ang suspek ay si Rene Bengona Aguilar Jr, mangingisda na naninirahan sa Bgy. Casian, Taytay Palawan.

Hinuli siya ng Taytay PNP sa Bgy. Poblacion kahapon sa bisa ng arrest warrant na galing kay Judge Emmanuel Q. Artazo, RTC Br 14 Family Court, Taytay, Palawan dahil sa kasong Rape at Statutory Rape na walang piyansa.

Samantala, nasa kustodiya ngayon ng Taytay MPS si Aguilar.

Leave a Reply

Your email address will not be published.