War on drugs ng Maynila, bigo sa panahon ni Erap; Mayor Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng DILG

Nag-isyu ng show cause order ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Manila Mayor Isko Moreno dahil sa kabiguan umano ng pamahalaang panlungsod na ipatupad ang war on drugs noong 2018, o sa panahon ni dating Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Nakasaad sa kautusan na may petsang July 9, na base sa kanilang assessment at beripikasyon sa 2018 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit, ay bigo ang pamahalaang panlungsod na mag-comply sa polisiya at programa na minamandato ng opisina nito, partikular na ang pagsunod sa mga panuntunan at measures na itinakda ng National Drug Abuse council Audit.

Sa ilalim ng kautusan ay sinabihan si Moreno na rumesponde sa loob ng 10 araw mula sa oras ng pagkakatanggap nito sa dokumento, kung saan ay kailangan niyang ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat maging administratively liable.

Isinagawa ang audit kaugnay sa umanoy kabiguan ng Maynila na sumunod sa anti-drug abuse policy noong 2018, habang nahalal naman si Moreno bilang alkalde noong 2019.

Sa maikling reaksyon ni Moreno sa isang Facebook post ay sinabi niya,  “Wow Galing ha! Sunod sunod na! #AlamNaThis.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *