Warriors abanse na sa Western Conference Finals

Pasok na sa NBA Western Conference Finals ang Golden State Warriors matapos pataubin ang Memphis Grizzlies sa Game 6 ng kanilang serye, 110-96.

Dikit ang laban sa unang tatlong bago tuluyan lumayo ang Golden State sa huling limang munuto ng laro.

Humakot ng 59 combined points ang splash brothers na sina Klay Thompson at Stephen Curry para igiya ang GSW sa panalo.

Nagtala ng 30 points si Dillon Brooks at 25 points si Desmond Bane para sa Memphis na ininda ang pagkawala ni Ja Morant hard court dahil sa tinamong injury.

Hihintayin ng Warriors ang mananalo sa pagitan ng Phoenix Suns at Dallas Mavericks na ngayon ay na sa 3-3 na ang standing.

Leave a Reply

Your email address will not be published.