Warriors bigo sa Pelicans, 108-103

Nabalewala ang 37-point performance ni Golden State Warriors main man Stephen Curry matapos matalo sa New Orleans Pelicans, 108-103.

Hindi napigilan ng GSW ang pag-arangkada ng Pelicans sa 4th quarter sa pangunguna ni Lonzo Ball na humakot ng 33 points, 6 rebounds at 4 assists.

Sa unang tatlong yugto ng laro ay lumalamang pa ang Warriors subalit na-out score ito ng New Orleans sa huling quarter, 33-24.

Nagdagdag ng 23 points para sa Pelicans si Zion Williamson habang may 14 points naman si Eric Bledsoe.

Nagtala ng 26-points si Andrew Wiggins para sa Golden State subalit kinulang pa rin ng tulong mula sa mga kakampi.

Krusyal naman para sa Warriors ang huling dalawang linggo ng NBA season para matiyak na makakasama sa play-in games bago ang playoffs na gaganapin sa katapusan ng Mayo. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *