Warriors vs Lakers tampok sa NBA play-in tournament

Pag-aagawan ng walong koponan ang nalalabing apat na pwesto sa NBA playoffs.

Ito ay ang 7th spot at 8th spot sa parehong Eastern at Western Conference.

Sa East, pasok na sa playoffs ang top 6 teams na kinabibilangan ng:

  1. Philadelphia
  2. Brooklyn
  3. Milwaukee
  4. New York
  5. Atlanta
  6. Miami

Maglalaban naman ang Boston Celtics at Wizards para sa ika-pitong pwesto habang ang matatalo dito ay makakarap ang mananalo sa pagitan ng
Indiana Pacers at Charlotte Hornets.

Sa West, sigurado na sa playoffs ang:

  1. Utah Jazz
  2. Phoenix
  3. Denver
  4. L.A. Clippers
  5. Dallas
  6. Portland

Maghaharap naman ang defending champ Los Angeles Lakers at Golden State Warriors para sa 7th seed kung saan ang matatalo ay lalabanan ang magwawagi sa pagitan ng Memphis at San Antonio para huling pwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *