Water crisis sa darating na tag-init pinaghahandaan ng NWRB

Kinumpirma ni National Water Resources Board Dr. Sevillo David Jr. na ngayon palang ay gumagawa na sila ng hakbang upang maiwasan ang nagbabadyang water shortage sa panahon ng tag-init.

Batay sa kanilang monitoring sa Angat Dam, mas mababa ng sampung metro ang water level nito kumpara sa normal.

Ito umano ang dahilan kung ngayon pa lamang ay nakakaranas na ng water rationing ang iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.

Paliwanag ni David ngayon pa lang ay kailangan nang ma-manage ang suplay tubig upang hindi magkaroon ng water crisis pagdating ng summer season.

Pinahahanda naman ng NWRB sa mga water concessionaire ang kanilang mga deep well at water treatment facilities na maaring mapagkunan ng tubig kung kakailanganin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *