Water discoloration posibleng maranasan paminsan sa lungsod dahil sa pagbabago unti-unti sa distribution system-Subicwater

SBFZ-Nagpaalala na agad ang Subicwater sa mga consumer sa lungsod ng Olongapo lalo ang mga nasa matataas na lugar na mag-imbak madalas ng tubig.

Ito ay dahil sa posibilidad na maranasan paminsan ang water discoloration dahil umano sa unti-unting pagbabago sa settings ng distribution system.

Ayon kay Jet Habacon, tagapagsalita ng Subicwater, asahan ang paminsang discoloration o kaya ay biglang pagkawala ng suplay dahil na rin sa adjustment sa kanilang system.

Kahapon ay naranasan ng ilang mga barangay sa Olongapo ang pag-iba ng kulay ng tubig.

Paliwanag ng Subicwater, umabot na sa critical level ang mga ilog na nagsusuplay sa Binictican Water Treatment Plant.

Para tuloy-tuloy pa rin ang daloy ng tubig sa mga consumer ay sinimulan nang kumuha ng suplay sa bagong water source sa Morong, Bataan kaya nagkakaroon ng system adjustment na nagresulta ng water discoloration.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *