Water Interruptions, paiimbestigahan sa senado

‘Ilang dams pa ba ang dapat ipatayo?’

Ito ang naging tanong ni Senate Public Services chairperson Senadora Grace Poe sa gitna ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa mga major dams kasabay pa ng pag-iral ng El Niño.

Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Poe na ang nakikita niyang solusyon para sa long-term solution sa water shortage ay ang pagtatatag ng Department of Water Resources.

Ito raw kasi ang solusyon para matiyak na matutugunan na ang iba’t ibang water supply issues, kabilang na ang lumabas sa pag-aaral na 11 million Filipinos lamang, ‘o halos wala pang 10% ng populasyon ang may access sa malinis na tubig.

Tiniyak ni Poe na magpapatawag siya ng pagdinig para malaman ang plano ng gobyerno sa El Niño, pati na rin ang pagtugon sa mga sunud-sunod na water interruptions kabilang na ang naka-scheduel simula ngayong araw sa Metro Manila.

Sa huli, hindi niya pa raw nakikita na solusyon ang pagbawi sa franchise ng mga water concessionaires dahil isa pa raw itong ‘drastic move’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *