Water level sa Bicol River tumaas na  dahilan para magkaroon agad ng pagbabaha sa mga Barangay sa Naga city

NAGA CITY – Tumaas ang water level sa Bicol River na dumiretso sa Naga River kaya madaling nagkaroon agad ng pagbabaha sa mga low lying areas sa lungsod.

Ito ang naging assessment ni Ernesto Elcamel,  Head ng City Disaster Risk Reduction Management Office matapos na muling bumaha na naman sa ilang mga barangay dala na rin ng ulan ni Bagyong Amang.

Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Elcamel, dahil sa halos walang tigil na pag uulan kahapon tumaas ang tubig sa Bicol River na siyang nakaapekto sa water level ilog ng lungsod.

Inalerto na rin nila ang 27 barangay ng lungsod at hinihingian ng reports hinggil sa baha lalo na sa mga lugar na binaha tulad ng sa bahagi ng Barangay Concepcion Pequeña, Balatas, bahagi ng Sabang, Calauag at Triangulo.

Kagabi umulan pa rin sa Naga City ngunit hindi na ito gaano kalakas kung ihahambing nooong nakaraang gabi na halos magdamagan.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *