SORSOGON CITY – Matagumpay ang naging ground breaking ceremony ng Source Development Project ng Sorsogon City Prime Water at Sorsogon City Water District para sa karagdagang water sources para sa libo-libong consumers sa lungsod ng Sorsogon.
Ayon sa Prime Water Branch Manager na si Engr. Hendrickson Latonio, malaking tulong ito upang makapagbigay sila ng mas magandang serbisyo ng tubig sa lungsod.
Ngunit, hindi rito kumbinsido ang marami lalo na ang ilang mga Barangay Officials na napipiga ng kanilang mga residente dahil sa umanoy palpak na serbisyo nito habang nagbabadya pa ang pagtaas ng singil sa tubig ngayong Oktubre ngunit tila wala naman umanong pagbabago sa serbisyo sa loob ng maraming taon.
Umaasa ang mga ito na kasabay ng pagbubukas ng mas maraming water source at pagtaas ng singil ay maibibigay nito ang serbisyo para sa mga member consumers.