Water tariff adjustment sa Daraga, Albay ipinaliwanag ng Prime Water at Daraga Water District

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ang Public Hearing ng Prime Water at Daraga Water District sa mga consumers patungkol sa gagawin na Water Tariff Adjustment sa bayan ng Daraga Ayon kay General Anni Marie Jaucian, ng Daraga Water District, ipinaliwanag nito ang kadahilanan ng tariff adjustment ay ang fuel cost adjustment kung saan nagsipagtaasan ang presyo ng gasolina sa bansa.

Kasabay rin sa naging dahilan ang power cost adjustment dahil sa mataas na rin ang bill ng kuryente sa bansa. Maliban pa rito, ang labor cost adjustment na kung saan kinakailangan dagdagan na rin ang sahod ng mga empleyado.

Dagdag pa nito ang huling dahilan ng water tariff adjustment ng water daraga district at primewater ay ang foreign exhange. Ayon naman sa mga consumers bago man sana magpatupad ng karagdagang bill sa tubig ay sana magkaroon naman ng maayos na pagseserbisyo sa mga residente ng Daraga naapektado na walang supply o kakulangan ng supply ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *