Wedding gown sa Switzerland, puwedeng suotin at maaring kainin

CAKE NA DRESS PA, yan ang kahanga-hangang nagawa ni  Natasha Coline Kim Fah Lee Fokas ng Sweety Cakes,  matapos kilalanin ito  ng Guinness bilang Largest Wearable Cake Dress sa isinagawang Swiss World Wedding Fair Fashion Show sa Switzerland kung kaya ito ay nakadesenyo bilang isang wedding dress.

Ayon sa Guinness upang makuha ang nasabing titulo kinakailangan  na ang timbang ng cake ay umabot o lumagpas sa 68 kg o 149 lb 14 oz at makapaglakad ang model sa haba na 5 meters o 16 feet nang hindi nahuhulog o nasisira ang dress kung saan lahat matagumpayang nakamit ng cake dress ni Natasha sa timbang na 131.15 kg o 289 lb 13 oz.

Paliwanag pa ni Natasha ang founder ng Sweety Cakes na specialized sa paggawa ng mga custom cakes na upang maging matibay at hindi matumba ang kanyang wedding cake dress habang suot-suot ito ng kanyang model, ay naglagay siya ng isang aluminum frame kung saan ito ang nagsilbing skirt ng kanyang cake dress habang nilagyan din niya umano ito ng gulong para magsilbing suporta naman sa laki ng cake.

Tiniyak naman ng Guinnes na walang masasayang na piraso ng cake sa nasabing okasyon dahil  ito ay ipinamahagi ng libre  sa mga dumalo at sa flagship shop ng Sweety Cakes.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *