White powder na natagpuan sa loob ng White House, napag-alamang ‘cocaine’

NAPAG-ALAMAN ng Secret Service na cocaine ang kahina-hinalang item na natagpuan sa loob ng White House nitong Linggo.

Ayon sa isang source natagpuan umano ang cocaine sa West Wing at hindi na ito nagbigay ng karagdagang detalye.

Ang West Wing ay ang katabing gusali sa executive mansion kung saan nakatira ang Presidente ng Estados Unidos na si Joe Biden. Dito rin matatagpuan ang Oval Office, Cabinet Room, Press Area, workspace para sa mga staff ng pangulo at iba pang mga opisina.

Dahil sa insidente pansamantala munang isinara ang White House Complex.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang sangkot dito at paano nakapasok ang substances sa loob ng White House. ###HARLIN LUMIBAO, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *