WHO, hinimok ang Hamas na palayain ang mga bihag

Hinimok ng World Health Organization (WHO) ang grupong Hamas na palayain na ang lahat ng mga bihag nito para sa kanilang kalusugan.

Ayon sa WHO, dapat agarang maka-access ang International Committee of the Red Cross sa mga hinostage ng Hamas upang mabigyan sila ng tulong pang-medikal.

Nag-aalala ang international agency hinggil sa estado ng kalusugan ng mga bihag; kabilang na rito ang mga health workers at higit 30 na mga bata.

Sa statement, sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na lahat ng sibilyan na naipit at nagdusa sa giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas ay nararapat lamang ma-protektahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *