WHO, kumambyo sa pahayag na nakikita na ang pagtatapos ng pandemya ng COVID-19

Nilinaw ni World Health Organization Dir. Gen. Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus ang nagung una nitong pahayag na ‘in sight’ na – o nakikita na nila ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic.

Sa isang pulong balitaan, nilinaw nito na hindi naman niya sinabing tuluyang tapos na ang pandemya pero ‘in sight’ pa rin ito – ibig sabihin, bagamat may pandemya pa, nakikita na nila ang bahagyang pagliwanag sa pandemic situation.

Paliwanag ni Ghebreyesus, wala pa tayo sa dulo ng ‘tunnel’ at ang nakikita pa lang natin ay ang dulo ng liwanag.

Dahil dito, hindi pa aniya maidedeklarang tapos na ang krisis dahil malayo-layo pa ang kailangan nating tahakin.

Mas lalo pa nga raw dapat tayong maging maingat at magtulungan para matapos na ito at maibsan ang mga epekto ng nakahahawang virus na gumapos sa buong mundo ng mahigit sa dalawang taon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.