WHO nahaharap sa pressure ng US sa pagtukoy sa pinagmulan ng COVID-19

Nahaharap sa panibagong pressure ang World Health Organization matapos igiit ni US president Joe Biden na dapat masagot kung paanong nagsimula ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa ilang expert, ramdam ng WHO ang demand pero limitado naman ang kapangyarihan nitong mag-imbestiga.

Sinabi ni WHO Emergencies Chief Mike Ryan na kinokonsulta pa ng kanilang tanggapan ang isang expert team na bumisita sa virus epicenter na Wuan City sa China para malaman nila paanong ituloy ang kanilang imbestigasyon.

Inihayag ni Ryan na bukas ang lahat ng “hypotheses” sa isyu.

Gayunman, aminado si Ryan na nakakalungkot na napasok ng sisihan at nalason din ng pulitika ang buong proseso ng imbestigasyon Matatandaan na unang lumutang ang mga anggulong posibleng nagmula ang virus sa isang laboratory incident sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *