WHO, pinalitan ang pangalan ng monkeypox para maiwasan ang stigma

Pinalitan ng World Health Organization ang pangalan ng viral disease na monkeypox bilang “mpox” dahil sa mga concerns tungkol sa racism at stigmatization.

Sa pahayag ng WHO, ang pagpapatibay ng bagong pangalan ay naglalayong mabawasan ang mga alalahanin mula sa mga eksperto tungkol sa pagkalito na dulot ng pagbabago ng pangalan sa gitna ng global outbreak.

Pinangalanan itong monkeypox noong 1970 matapos makumpirma ang mga unang kaso sa mga tao. Ang virus na nagdudulot ng sakit ay unang natuklasan sa mga  unggoy sa Denmark noong 1958.

Iminungkahi ng  U.N. health body ang mpox alinsunod sa mga alituntuning inilabas nito noong 2015 upang “i-minimize ang mga  negatibong epekto sa mga bansa, ekonomiya at mga tao.

Nagsimulang kumalat ang monkeypox sa central at western Africa, kung saan ito ay naging endemic noong Mayo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *