WHO, planong tanggalin na ang emergency declaration para sa COVID-19 at monkeypox

Pina-plano na ng World Health Organization (WHO) na tuluyan nang ibaba ang global public health emergency para sa mga sakit na COVID-19 at monkeypox sa susunod na taon.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, tapos na ang pinaka-‘dangerous phase’ ng dalawang mga karamdaman kaya napapanahon nang ibaba ang classificaiton nito.

Para sa COVID-19, sinabi ng WHO chief na higit nang mababa ang mga naitatalang death toll, kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.

Sa kabila niyan, umaasa pa rin ang Health official na tuluyan nang mababawasan at mawala ang bilang ng mga nangamamatay nang dahil sa infection ng COVID.

Para naman sa monkeypox na kung tawagin na sa ngayon ay ‘Mpox’ – nag-decline na rin ng 90% ang mga naitatalang lingguhang kaso nito.

Sa huli, sinabi ni Ghebreyesus na ang aral na napulot ng buong daigdig sa ngayon ay kung papaanong mabilis na magresponde ang iba’t ibang mga bansa para sa mga hindi inaasahang outbreaks ng mga karadaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *