Will Smith, aminadong nasa “worst shape” na ang kanyang pangangatawan

Motivated ang aktor na si Will Smith na maibalik ang kanyang malusog na pangangatawan matapos niyang aminin na siya ay nasa “worst shape” na ng kanyang buhay.

Sa ibinahaging larawan ng Hollywood superstar ay makikita ito na nasa isang gym na tila naghahanda na para sa kanyang fitness journey.

Maababasa sa caption ng post: “Back to square one. Lookin like a circle. Let’s get it!!”

Ibinida naman ni Smith sa ibang post, ang kanyang abs-less na pangangatawan habang suot ang kanyang trunks.

Sinabi niya sa caption: “this is the body that carried me through an entire pandemic and countless days grazing thru the pantry. I love this body, but I wanna feel better”

Dagdag ng aktor: “No more midnight muffins…this is it! Imma get in the BEST SHAPE OF MY LIFE!!!!!!”

Inihayag rin ni Smith na makikiapg-partner shiya sa youtube para maging back on-track ang kanyang health & wellness.

Leave a Reply

Your email address will not be published.