Work from home arrangement para sa lahat na empleado ng LGU Basud inalis na

CAMARINES NORTE – Ipinag- utos ng Alkalde ng Basud, Camarines Norte ang isangdaang porsiento na pagpasok sa opisina ng lahat ng empleado ng Lokal na Pamahalaan.

Epektibo ang kautusan noong December 1 na ipinatutupad na ngayon.

Batay sa Office Order na ipinalabas ni Mayor Adrian Davoco, lifted na ang naunang kautusan noong Mayo na nagpapatupad ng work from home arrangement.

Nasa ilalim na kasi ng Alert Level 2 ang probinsiya at mababa na rin ang naitatalang kaso ng COVID- 19 sa mga nagdaang linggo.

Nasa 97 porsiento nang fully vaccinated ang mga empleado ng naturang LGU kaya’t maituturing na ring protektado ang work place sa posibleng kontaminasyon ng virus.

Gayunman, ipinag- utos ng Alkalde na mahigpit pa ring sundin ang health protocols kontra COVID- 19 tulad ng pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras, pagsunod sa social distancing, araw- araw na disinfection sa LGU buildings, iba’t- ibang opisina, lobby at iba pang common area.

Pinaalalahanan din ang mga empleado hinggil sa IATF resolution na nag- uutos na dapat ay bakunado ang mga on- site worker o kung hindi ay dapat itong sumailalim sa regular testing.

Sa ngayon ay mayroong isang aktibong kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *