Workers ng iPhone factory sa China nag-panic dahil sa COVID-19 outbreak

Nag-panic ang mga manggagawa sa iPhone factory sa Zhengzhou city China dahil sa zero-COVID approach ng kanilang bansa at ng pamunuan ng Foxconn plant.

Ayon sa report, nagpanic at nagmadaling makalabas ng planta ang mga manggagawa dahil sa maling impormasyon na lumutang ang iba’t ibang impormasyon na kesyo maraming nagkasakit sa kanila at papasok ang army.

Kabilang din sa mga lumutang na maling impormasyon ang isang experiment na hahayaang magkasakit ang lahat sa bahaging ito ng Zhengzhou upang makita kung sino ang mga mamamatay.

Dahil dito, inakala ng mga manggagawa na hahayaan lang sila ng kanilang kompanya na mamatay kaya naman kanya-kanya ng paraan na sila paanong makakalabas ng planta.

Dahil sa mga kumalat na maling impormasyon, ilang sasakyang dumaan sa lugar ang naawa at nagsakay pa ng mga gustong makatakas.

Matatandaan na marami na ang umaalma sa zeo-COVID policy ng China dahil sa mga ipinatutupad na lockdown.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *