Working student mula elementarya na nabigyan ng scholarship sa isang review center pasado na sa  Licensure Examination for Criminologists

NAGA CITY- Emosyonal na ibinahagi sa Brigada News FM Naga ng 25-anyos na guwardiyang si Adrian Mancita Gallarte ang labis na pagpapasalamat nang pumasa sa Licensure Examination for Criminologists.

Si Gallarte ay ang isa sa mga na-feature BNFM facebook page na nagsusumikap na estudyante sa lalawigan.

Noong nasa elementarya tututulong na sya sa pangangalakal, nag-iiigib ng tubig kapalit ng dalawampiso, nagtitinda ng kakanin at iba pa. Sekondarya naman, nagpapart time makatulong sa manghihilot, all around boy sa karinderya, nagtitinda ng gulay, nag waiter pa. Nang tumungtong sa kolehiyo naging crew/ waiter sa isang kilalang fast food chain sa Bicol, naging reseller ng kung anu-ano , store custodian at security guard hanggang ngayon sa Naga City.

Nabigyan din ito ng Ipad noon ng tanggapan ng dating Bise Presidente para sa kaniyang online class sa pandemya at nakapagtapos.

Ang kuwentong ito ay ang nakapukaw sa atensyon sa Brigada News FM kaya naifeature sa page, nakita naman ito ng isang kilalang review center sa Maynila sa tulong na rin ng mga followers.

Hindi akalain ni Adrian na dahil dito ay mabibigyan siya ng scholarship at libreng makakapagreview.

Pinasalamatan niya ang mga magulang  at lahat ng tumulong mahirap man ang naging paglalakbay bilang anak, mag-aaral , at empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *