World Aquatics, sinuspinde ang PH Swimming Inc.

Sinuspinde ng World Aquatics ang Philippine Swimming Inc. (PSI) at iniutos ang pagsasagawa ng halalan para sa mga board of directors ng national federation sa pamamagitan ng Philippine Olympic Committee.

Ang suspensiyon ay bunsod ng liham ng PSI sa swimming’s world governing body, na nagsasaad na mayroon pa rin itong pagkilala sa Philippine Sports Commission (PSC), ang ahensya ng gobyerno na nagpopondo sa mga sports program.

Kasunod ng pagsususpinde, ang WA ay humingi ng tulong sa POC sa pagbuo ng isang Electoral Committee.

Ang utos WA ay nagbabawal sa PSI na gamitin ang alinman sa mga karapatan sa pagiging miyembro nito , kabilang ang karapatang dumalo at lumahok sa mga international federation congress.

Nauna nang iniutos ng WA ang paglikha ng isang Stabilization Committee para kunin ang mga tungkulin ng PSI bilang national sports association. Ang komite ay nagsagawa na kamakailan ng trials sa New Clark City para sa national aquatics team sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *