Pasok na sa quarterfinals sa World Cup ang France matapos ang 3-1 victory sa Poland.
Pinaghirapan ng France ang puwesto nito sa quarterfinals matapos ang goals mula kina Olivier Giroud at Kylian Mbappé.
Binasag ni Giroud ang deadlock bago mag-halftime sa pamamagitan ng pass mula kay Mbappé.
Hinahangad ng France na maging pangatlong koponan sa kasaysayan na manalo ng back-to-back World Cups.
Samantala bukod sa France, ang England ay pasok na rin sa quarterfinals matapos talunin ang Senegal.//CA