World leaders, G7, QUAD, suportado ang foreign policy ni Marcos

Ibinida ng Palasyo ang ginawang pagkampi ng mga pinakamalalakas na world leaders pagdating sa foreign policy ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ibinahagi ni Communications Sec. Cheloy Garafil ang ginawang pahayag ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko kung saan ay pinagtibay ng G7 leaders ang determinasyon nila para matugunan ang iba’t ibang global challenges nang sumusunod sa mga international law at values.

Ito ang naging resulta ng isinagawang summits ng G7 at ng QUAD, ‘o ‘yung Quadrilateral Security Dilaouge sa Japan.

Ayon kay Koshikawa, sinusuportahan nila ang panawagan ni Pangulong Marcos na pagsunod ng iba’t ibang mga claimants sa South China Sea sa international maritime rules.

Ito umano ay para magkaisang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Maliban pa rito, nagkasundo rin ang G7 leaders sa panawagang panatilihin ang kapayapaan sa Taiwan Strait. // LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *