World tour ni Justin Bieber kanselado

Kanselado na ang world tour ng singer na si Justin Bieber.

Ayon sa website ng Ticketmaster, lahat ng concert ni Bieber sa United States, Ireland at France ay kanselado na.

Wala pa naman nilalabas na pahayag ang kampo ni Bieber hinggil sa nasabing kanselasyon.

Matatandaang inanunsyo ni Bieber ang pagpapahinga mula sa kanyang mga performance matapos tamaan ng Ramsay Hunt Syndrome na isang komplikadong sakit na nagsanhi ng kanyang partial facial paralysis.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *