World Wildlife Day, ipagdiriwang ng Albay Vet. Office sa darating na Biyernes sa Legazpi City

Ipagdiriwang ng Albay Veterinary Office ang World Widelife Day ngayong darating na Biyernes, Marso 3, ng kasalukuyang taon kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol sa Albay Park and Widelife sa Brgy. Bogtong, Legazpi City.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Pancho Mella ng nasabing opisina, sinabi nito na taun-taon nilang ipinagdiriwang ang World Wildlife Day upang malaman ng publiko na kailangan protektahan ang mga hayop sa bansa.

Ayon pa kay Mella, kahit nagkaroon pa ng pandemya ay nagawa pa rin ng mga ito na maidaos ang aktibidad ngunit limitado lamang ang kanilang bisita nitong nagdaang taon.

Isasagawa ang aktibidad mula umaga hanggang hapon kung saan magkakaroon ng training sa mga estudyante kung papaano ang tamang paghahawak ng wild animals.

Maliban pa rito, magkakaroon rin ng quiz bee at poster making contest kung saan iniimbitahan din ang ilang mga paaralan.

Kabilang sa mga dadalo rito ay ang Energy Development Corporation (EDC), Albay Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman, DENR Bicol Regional Director at iba pang opisyal ng ahensya ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *